Short Film: My Fat Chance

Mahal mo siya, pero sa iba siya nakatingin. Paano na? My Fat Chance Quinn gave love a chance, o mas tama yatang sabihing Quinn gave love to Chance. Chance was the campus fat kid na na-in love sa queen bee ng eskuwelahan, si Cindy. Of course, walang chance si Chance. Pero dahil kinaibigan si Quinn ni Chance, pumayag siyang tulungan ito sa panliligaw sa pinsan niyang si Cindy na may planong magtatag ng branch ng impiyerno sa campus. Sa bawat pagpapahirap ni Cindy kay Chance, nakita ni Quinn ang kagandahang-loob na pumupuno sa katabaan ng lalaki. Panoorin kung paano masusuklian ang pagmamahal ni Quinn sa taong busilak ang puso na sa maling babae tumitibok. My Fat Chance is the grand winner of the 2017 Precious Pelikula Film-making Contest. An adaptation to film of Sofia’s Reb Fiction novel of the same title. #KungSinongMahalMoSiyangAyawSayo #Friendzone #GiveUpNaBes #MyFatChance #PreciousPelikula #PreciousHeartsRomances